Friday, May 26, 2017

Ang Diary ng Taong Walang Magawa

(This piece was written June 7, 2013 but I still want to share it with you so you will have a glimpse of my funny side).  


Hay nakakantok naman talaga! Di malaman ang gagawin.

Eh bakit nga ba sa mga situation na gaya nito different ideas crop out in your mind?  Things na di mo naiisip in the past.  Halimbawa, katulad nitong ginagawa ko ngayon.  Sa sobrang di na malaman ang gagawin nakaisip na lang magsulat ng ewan ko kung may kwentang bagay ito?  O kaya, mag-imagine na lang na kung sakaling tumama sa lotto, paano mo idi-divide yun napanalunan mo ( he he marami kaya sa atin ang ganyan).  Paano na nga kaya kung  manalo ako sa lotto ng 50 Million Pesos?





Whaatt?, 50 Million Pesos!!!

Cloud call out symbol On!                  
Okay let’s start sub-dividing. 

25M will go to business (yeheey, sa wakas graduate na ako sa 8AM-5PM ay 6:30PM pala na office hours job).

10M sa savings, aba kailangan may back-up mahirap na baka matulad sa ibang lotto winners na na-feature sa Magpakailan Man. Kasi naubos agad ang napanalunan.  Uhmn, on the other hand, magandang idea rin ito, malay mo yun na ang chance para maging artista ako.  Di na kailangan sumali sa Star Struck o Protégé para maging artista.  Ha ha… may ambisyon pang maging artista parang Pepito Manaloto lang.  Sobra na yan!  Okay, balik sa breakdown ng lotto winning.  So allocated na 35M ko (naks, parang allocated stocks lang!).  May natitira pang 15M. 

10M siguro sa mga luho tulad ng bahay, kotse, shopping.  Bahay sa Baguio, Tagaytay at Palawan worth 1.5M bawat isa.  Plus 2 cars  worth 1M each.  7.5 na ang total ibig sabihin may 2.5M pang pang-shopping! Syempre, girls can’t live without shopping.  Pwede na yun!  Di naman kasi ako kasing luho ni xxxx (sorry guys I intentionally deleted the name) na isang piraso pa lang ng designer bag ang katapat ng 2.5M nya.

Yun natitirang 5M sa 50M winning ko siguro ito na yun pangbalato ko sa mga taong malalapit sa akin kasama ka na dun! Kasi nabasa mo itong ginawa ko. Nakakahiya naman kung hindi kita isasama sa listahan ng babalatuhan ko baka magtampo ka pa sa akin. At syempre donation sa charitable institution. Sabi nga share your blessings. Pero saka ko na iisipin kung sino mga donor.  Kayo baka may gusto kayong i-suggest na favorite charitable institution nyo pwede nyo naman ipasama sa akin… open naman ako para dyan.  Naks, parang totoong totoo na.  Sige lang sabi nga nila libre naman ang mangarap…. kung makakabawas ba sa everyday stress- eh di sige lang.

Wait! May nakalimutan ako.  Remember ½ percent of may winning will go to business… pwede bang tulungan nyo na rin ako mag-isip ng magandang business?  Malay nyo kung mag-click yun business na sinagest nyo, kayo na kunin kong manager para sa negosyong iyon.  It’s like suggesting the business where you will become the boss of it.  Di ba magandang idea?  Sabi ko naman sa inyo sa idle moments na gaya nito nagiging creative and imaginative thinker tayo.  Well, at least gumagana utak natin.

Hindi lang pagiging creative and imaginative thinker somehow, you become very observant on the things around you, too.  Like itong girl sa harapan ko…. Akala ko super busy… yun pala just like me she find ways para malibang…. Buti pa sya pa-facebook facebook na lang sa iphone nya…hay wish ko lang I am as lucky as she was na with full privilege to use the wifi.  Ikaw na malakas sa globe J.  Yun sa likod ko naman eh parang di maubusan ng trabaho. Totoo kaya yun or pretending din like me?  Naku, hirap talaga ng kalagayan ko.  Natututo tuloy akong maging mapanuri sa kapwa ko. I hate this feeling and attitude! Change topic na lang pwede….

Seriously, hanggang kailan kaya ako ganito? …. parusang matindi.  Nakakatuyo na ng brain ang maghapon di gumagana ang utak, nakakapagod pa ang maghapon naka-nganga.   Lord, patawad hindi naging worthwhile ang araw ko ngayon (pustahan kinanta mo yun first two words ng sentence na ito!).  Well, though somehow relax and no stress at all, ang hirap din pala ng ganito.  Mag-iisip ka talaga ng pwedeng gawin para umabot lang sa 6:30 deadline – ang uwiin.   Grabe! para tuloy akong  estudyante na inaabangan ang uwian.  Now I know the feeling ng mga former students ko everytime wala sila gaanong ginagawa inside the classroom (yes guys, I was once a classroom teacher!).  Di talaga maiwasan maging restless.  Eh kami naman mga teachers nagagalit agad everytime may marinig na ingay at kaguluhan.  Kung ako rin pala ang nasa situation nila I might had been worst than them! 

Oops, anong oras na ba?  Tingin tingin sa time baka mahaba na naubos na oras.  Wheew,,, 4:35 PM.  Yes, kulang kulang 2 hours na lang at malaya na ako!   Wait lang ha,galaw galaw muna stretch stretch at masakit na bewang sa maghapong pagkakaupo.  Ay, swerte! May free merienda na yellow cab pizza and spaghetti.  Okay, kain muna sobrang napagod sa maghapon nakatunganga.

Horray! it’s 6:25PM 5 minutes to go at makakauwi na rin.  Makapag-ayos na nga ng things sa table ko para when 6:30PM strikes larga agad.  Excited?

Oops, toink! Biglang may sinabi ang boss. May isesend daw sya sa email na work to do, sabay dating pa ng isa from other department asking kung nareceive ko yun email niya.  “Rush to ha”, sabay sabi.  “As in rush na ngaun?”, tanong ko naman with matching facial expression pa.  Pero wala naman magawa kung hindi gawin or else baka first thing in the morning  kutakut takut na takut na reklamo matanggap ko.  Eh di malamang masisira na naman araw ko.  Buti pang maging “good girl abides” ang motto para iwas problema di ba?

Pero deep inside umiiyak ang utak ko.  Hu..hu..hu.. talaga naman ang buhay na ito, di mo minsan maintindihan.  Maghapon wala magawa, kaya nga natapos ko itong walang kakwenta-kwentang kwentong ito na may kwenta pa rin sa akin kasi nalibang ako kahit paano.  Tapos kung kailan pauwi na saka may gagawin. L

Hay this crazy life…!

Ikaw? I-Share mo naman boredom experience mo!


Happy Reading,


Arlene









No comments:

Post a Comment

Leave a Reply: